Turkey, Naglunsad Ng Airstrikes Matapos Ang Pag-Atake Sa Ankara

3

MANILA – Naglunsad ng airstrikes ang Turkey sa teritoryo ng Kurdish group sa Iraq matapos ang pag-atake sa Ankara na ikinamatay ng 37 katao.Wala pang umaako sa nasabing pag-atake pero ayon sa isang Senior Government Official, posibleng may kaugnayan sa Kurdistan Workers’ Party ang magkasunod na pagpapasabog.Tiniyak ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na pananagutin ang mga responsable sa terror attack.Hawak na ng mga otoridad ang nasa labing isa katao na posibleng sangkot sa pambobomba.

Facebook Comments