TURN-OVER CEREMONY NG FARM-TO-MARKET ROAD SA CABATUAN, PINANGUNAHAN NI SEN. IMEE MARCOS

Cauayan City – Personal na bumisita si Senator Imee Marcos sa bayan ng Cabatuan, Isabela upang pangunahan ang inagurasyon ng Farm-To-Market Road project sa Brgy. La Paz, Cabatuan.

Ang nabanggit na proyekto ay nagkakahalaga ng 10 milyong pisong pondo, at naglalayong matulungan ang magsasaka sa lugar upang mas mapadali ang kanilang pagsasaka, maging ang transportasyon ng kanilang mga aning produkto patungo sa merkado.

Mainit naman ang naging pagtanggap ng mga residente sa pagdalo ng senador sa kanilang lugar.


Maliban sa P10-M Farm-To-Market Road Project para sa bayan ng Cabatuan, nagbigay rin ng P3-M financial assistance ang senador para sa mga Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) beneficiaries sa bayan ng Cabatuan.

Sinabi rin ni Sen. Imee na nakatakda pang maghatid ng karagdagang P3-M pondo para pa rin sa mga benipesyaryo ng AICS.

Facebook Comments