Isinagawa ang isang turn over ceremony ng mga advanced na Shredder machine at Composting machine sa kilalang Samahan ng mga Organikong Magsasaka ng Infanta, Inc. (SOMI) at Bamban Irrigators Farmers Association na pinangunahan ng Bureau of Soils and Water Management.
Ang naturang makinaryang inihatid sa mga samahan ng magsasaka sa naturang bayan ay mula sa RU Foundry & Machine Shop Corp., ay dalubhasang ipinakita nina Sir Jeffrey kung saan tinitiyak nito ang tuluy-tuloy na paglipat para sa mga komunidad ng pagsasaka.
Ang Shredder machine na ito ay makatutulong sa agrikultura, habang ang Composting machine ay gagawing organikong na mayaman naman sa sustansya.
Ang SOMI at Bamban Irrigators Farmers Association ay magagamit ang mga naturang makinarya upang mabawasan ang basura, pagpapayaman pa sa lupa at maging ma-maximize ang mga ani ng pananim.
Ang pag turn over na ito ng mga shredder machine ay sa ilalim ng gabay ni Agricultural Technologist, Necitas Mascariña, kung saan nagpapakita ito ng makabuluhang hakbang tungo sa napapanatiling agrikultura. |ifmnews
Facebook Comments