Lingayen Pangasinan – Sa kabila ng pinaigting na kampanya upang hikayatin ang mga registered voters sa lalawigang Pangasinan bigong makuha ng Comelec ang target nitong 100% na makaboto ang rehistradong botante sa lalawigan. Ayon sa datos na inilabas kasi ng Comelec Pangasinan mula sa 1.9 million na registered voters nasa 1,150,354 lamang ang mga Pangasinense na nakaboto.
Ayon kay Comelec Pangasinan Provincial Supervisor Atty. Ericson Oganiza tinitignan nilang dahilan ay ang pagkainip ng mga tao sa haba ng pila at tindi ng init sa kasagsagan ng halalan noong lunes.
Sa ngayon naiproklama na ang lahat ng mga kandidatong panalo sa buong probinsya.
Facebook Comments