TURNOVER | Bagong customs commissioner na si dating MARINA Chief Guerrero, uupo na sa Martes

Manila, Philippines – Inaasahang uupo na sa Martes, October 30 bilang bagong customs commissioner si dating Marina Chief Rey Guerrero kapalit ni Isidro LapeƱa na inilipat sa Technical Education, Skills and Development Authority (TESDA).

Agad itinakda ang turnover dahil nag-aalala na umano ang mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa kontrobersyang dulot ng P11 billion halaga ng naipuslit na shabu sa pamamagitan ng magnetic lifter.

Mababatid na ito na ang ikalawang beses na nagpalit ng pinuno ang BOC sa loob lang ng 1 taon.


Facebook Comments