TUTOK KAINAN SUPPLEMENTATION PROGRAM INILUNSAD SA LINGAYEN KONTRA MALNUTRISYON

Inilunsad ng National Nutrition Council o NNC ang Tutok Kainan Supplementation Program sa bayan ng Lingayen.
Nasa 22 na 6-23 buwang sanggol ang benepisyaryo ng naturang programa na layong mapababa ang kaso ng malnutrisyon sa bayan.
Tutukan ang mga ito sa 180 araw upang makuha ang bitaminang kinakailangan ng mga benepisyaryo.

Mahalagang matutukan ang mga bata sa nasabing edad upang maging fully developed ang kanilang paglaki at upang hindi ito mauwi sa pagkabansot at malnutrisyon.
Samantala, bago inilunsad ang programa dumaan sa oryentasyon ang mga benepisyaryo na layong maihanda ang mga ito sa nasabing programa. | ifmnews
Facebook Comments