TUTOL | Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, pumalag sa naging pahayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde

Manila, Philippines – Pumalag si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate sa naging pahayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na isolated case ang pagpatay sa mga pari.

Ayon kay Zarate dapat ihinto ni Albayalde ang downplaying sa state of impunity sa bansa dahil marami na ang namatay dahil dito.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang pahayag ni Albayalde na mayroong nasa 1,000 rogue cops ang armado at mapanganib.


Paliwanag nito, kahit kalahati ng nasabing bilang ng mga rogue cops ang maging hired killers kailangan itong ikaalarma dahil maari ang mga itong bayaran upang patayin ang mga pari, mamamahayag, aktibista at mga kritiko ng administrasyon.

Ang dapat anyang gawin ng pinuno ng pambansang pulisya ay hanapin at arestuhin ang mga sinasabi nitong rogue cops gayundin ang mga responsable sa mga Extra Judicial Killings (EJK) at mga lumalabag sa karapatang pantao.

Facebook Comments