Manila, Philippines – Mariing tinutulan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na armasan ang mga pari para sa kanilang kaligtasan.
Giit ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, bilang mga pari ay bahagi ng kanilang ministry na maharap sa panganib maging kamatayan.
Aniya, katungkulan rin nilang harapin ang anumang panganib para tuparin ang misyon kay Kristo.
Matatandaang tatlong pari na ang naitalang napatay ngayong taon habang isang pari ang sugatan dahil sa pamamaril.
Facebook Comments