TUTOL | CPP, nagbanta na tutulan ang imperialist domination ng China

Manila, Philippines – Hindi kampante ang Communist party of the Philippines (CPP) sa 29 na kasunduan ng Pilipinas at China.

Pinakatampok dito ang gas development sa West Philippine Sea.

Sa isang statement, inihayag ng CPP na ginagamit ng China ang sangkatutak nitong pera sa anyo ng pautang upang igiit ang tinawag nila na imperialist domination nito.


Binanggit sa statement na dahil sa paggiit ng China ng kapangyarihan nito, higit na dapat ipaglaban ang pambansang soberenya ng Pilipinas at kalayaan nito sa pagsasarili para sa pag unlad na pang ekonomiya.

Iba’t-ibang organisasyon ng mga progresibong grupo ang sabay sabay na nagsagawa ng kilos protesta kasabay ng pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Facebook Comments