Manila, Philippines – Tinututulan ng Department of National Defense (DND) ang House Resolution na muling pagsusulong ng peace talks sa pagitan ng Communist Party of the Philippines – National Democratic Front o CPP-NDF at ng pamahalaan.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi na kailangan ang house resolution para sa muling pagbabalik ng usapang pangkapayapaan dahil nakadepende aniya ito sa sitwasyon o sa mga kilos ng mga makakaliwang grupo.
Paliwanag ni Lorenzana, kung muling isusulong ang peace talks paulit ulit lang rin ang magiging resulta nito dahil hindi sineseryoso ang CPP-NPA sa usapang pangkapayapaan.
Ang mga nakalipas aniya nilang mga karanasan ang kanilang pinagbabasehan
Kailangan aniya munang baguhin ang mga parameter para sa pagsulong ng peace talks.
Sa house resolution number 1803, animnapung miyembro ng house of representatives ang naghain ng resolusyong hikayatin ang Pangulong Rodrigo Duterte na muling isulong ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP-NPA.