Manila, Philippines – Muling nagpahayag ng pagtutol ang Department of Education (DepEd) sa panukalang sumailalim sa drug test ang mga grade 4 student.
Base kasi sa pinakahuling SWS survey marami sa mga Pilipino ang pabor na i-drugtest ang mga elementary student kung saan pati ang Palasyo ng Malacañang ang nagpahayag din ng pagsuporta dito.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, meron na silang pinapatupad na drug education program at ito ay sapat na para mabatid ang negatibong epekto ng bawal na gamot sa kanilang buhay.
Binigyang diin ni Briones na kung sakaling magkamali ang isang bata at magpasito sa iligal na droga, mas mahihirapang makabangon ang nasabing estudyante.
Kung magpositibo man sa drug test ang isang grade school student, pwedeng hindi na ito maalis sa kanyang record at mahirapan sa pagtuntong sa high school.