TUTOL | Isang transport group, tinututulan ang mungkahi na ibalik sa ₱9 ang pasahe

Manila, Philippines – Hindi sang ayon ang Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa panukalang ibalik sa ₱9.00 ang dating pamasahe sa jeepney matapos ang sunod sunod na pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay ACTO President Efren De Luna, malabo nang baguhin pa ang pasahe dahil nakapagpalabas na ng permanenteng desisyon ang LTFRB na gawing ₱10 ang minimum fare .

Paliwanag ni Luna na madali sanang i-rollback ito kung ang naging desisyon ay provisional increase lamang.


Idinagdag ni De Luna na matagal din nilang ipinaglaban sa LTFRB na itaas ang pasahe sa jeepney dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, spare parts, excise tax, E-VAT, discount sa mga estudyante, senior citizens, PWD’s, traffic at kotong.

Taliwas ito sa ipinahayag ng ilang transport group na handa silang magbaba ng pasahe kapag tuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

Humiling na din ng special board meeting si LTFRB Board Member Attorney Aileen Lizada para muling pag-usapan ang tungkol sa ₱2.00 jeepney fare hike.

Facebook Comments