TUTOL | Kautusan ng DOE na magbenta ng euro 2 diesel, pinababawi

Manila, Philippines – Inirekomenda ng congressional oversight committee on biofuel na kanselahin ang department order ng Department of Energy (DOE) patungkol sa paggamit ng euro 2 fuel.

Sa ilalim ng kautusan, inaatasan ang mga kumpanya ng langis na mag-angkat at magbenta ng euro 2 fuel na mas mura kumpara sa kasalukuyang euro 4 fuel.

Pero ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairperson ng senate committee on energy, bukod sa mas marumi at mapanganib sa kalusugan ang euro 2 fuel taliwas ito sa mga umiiral na polisiya ng pamahalaan.


Hindi rin pabor ang ilang kumpanya sa kautusan dahilan kailangan pa anilang bumili ng karagdagang kagamitan para sa euro 2 diesel.

Iminungkahi pa ni Gatchalian, ang pag-aangkat ng ethanol na ihahalo sa euro 4 na makatulong sa pagpapababa sa presyo ng petrolyo.

Facebook Comments