TUTOL | Makabayan Bloc, kokontrahin ang pagpapapasa ng national ID system

Manila, Philippines – Kinontra ng Makabayan Bloc sa Kamara ang napipintong pagpapasa sa National Identification (ID) system.

Ayon kay Bayan Muna Party-List Representative Carlos Zarate, pwedeng magamit ang national ID laban sa mga tumutuligsa sa gobyerno.

Wala rin anniyang katiyakang safe sa hacking ang datos.


Giniit naman ni Gabriela Representative Arlene Brosas, na sa halip na gamitin sa national ID system ang P2 billion na pondo, mas mabuting ilaan na lang ito sa mga reporma sa basic social services.

Inaasahang mararatipikahan na ng dalawang kapulungan sa susunod na linggo ang national ID bill bago papirmahan kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments