TUTOL | Mayorya ng mga senador na lumagda sa draft committee report ukol sa Dengvaxia, kontrang sampahan ng kasong kriminal si dating Pangulong Aquino

Manila, Philippines – Umaabot na ngayon sa sampu ang mga senador na lumagda sa draft report na inilabas ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon ukol sa Dengvaxia Controversy.

Pero ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, karamihan sa kanila ay tutol sa nakapaloob na rekomendasyon sa draft report na sampahan ng kasong kriminal si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Bukod kay Recto at Gordon, pumirma na rin sa nabanggit na draft report sina Senators Tito Sotto, Gringo Honasan, Juan Miguel Zubiri, JV Ejercito, Nancy Binay, Grace Poe, Sherwin Gatchalian at Manny Paquiao.


11 o mayorya ng mga senador na miyembro ng Blue Ribbon Committee ang kailangang pumirma sa naturang draft report para ito ay maihain sa plenaryo at magkaroon ng tsansa na mapagtibay ng buong Senado.

Facebook Comments