Manila, Philippines – Nababahala ang mga mag-aaral sa iba’t-ibang unibersidad sa bansa balak ng pulisya na ipasok sa mga higher educational institution ang anti-drugs war ng pulisya partikular ang mandatory drug test sa susunod na taon.
Ayon kay Vennel Chenfoo, ang national coordinator ng Kabataan Group Northern Mindanao, nakakabahala ang plano ng PNP, na pinahintulutan pa ng Commission on Higher Education (CHED) lalo na at inaasahan ang pagiging madugo katulad nang nagaganap sa kanilang komunidad.
Sa halip aniyang magbigay ng libre at mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga kabataan, mistulang bulag si CHED Commissioner Popoy de Vera sa mga awtoridad gaya nang ginawa ng PNP at AFP sa paglalagay ng red tag sa mga aktibista at kanilang mga organisasyon.
Dagdag pa ni Chenfoo, kahit may batas na para sa libreng edukasyon ay patuloy pa rin ang paniningil ng tuition ng state universities sa rehiyon.
Dapat aniya ay atupagin ng CHED ang pagtutok sa implementasyon ng free education sa halip na ilegal na droga.