Manila, Philippines – Kinuwestiyon ng Department of Health (DOH) ang pagpayag ng Department of Energy (DOE) na muling ibalik ang paggamit ng Euro 2-compliant diesel fuel.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, dapat isinaalang-alang ng DOE ang kalusugan ng mga tao.
Ikinakabahala nito na magdudulot ng hindi maganda sa kalusugan ang nasabing uri ng diesel kaya ito tinanggal na.
Magugunitang plano ng DOE na muling payagan ang paggamit ng Euro-2 diesel para makatulong sa patuloy na pagtaas ng preyo ng langis.
Facebook Comments