TUTOL | Mungkahing P18 to P23 wage increase na isinusulong ng ECOP at BSP, kinontra ng ALU-TUCP

Manila, Philippines – Ngayon pa lamang sinopla na ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang itinutulak ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) at Bangko Sentral na itakda lamang sa P18 hanggang P23 ang ipatupad na wage increase.

Ayon kay Alan Tanjusay, spokesperson ng ALU-TUCP, hindi nila tatanggapin ang pinalulutang na wage increase ng ECOP.

Aniya, hindi dapat ginagalit ng mga negosyante ang mga manggagawa na ipinaglalaban lamang ang karapatan para sa disenteng kabuhayan.


Nanindigan ang grupo na igiit ang across the board P800 wage hike sa deliberasyon ng mga regional wage boards.

Nanawagan si Tanjusay sa mga negosyante sa bansa na huwag pangunahan ang mga regional wage board.

Sa halip, dapat nilang pakinggan ang hinaing ng mga nagdarahop na mga manggagawa.

Facebook Comments