TUTOL | Nakatakdang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping, inalmahan

Manila, Philippines – Hindi kampante ang mga grupong katutubo sa pagbisita sa Pilipinas ni Chinese President Xi Jinping na nakatakdang bumisita sa bansa sa Nobyembre a beinte.

Ayon kay Pya Macliing Malayao, tagapagsalita ng Kalipunang ng Katutubong Mamamayan o Katribu, hindi welcome sa mga katutubo si Xi Jinping dahil kabuhayan nila ang apektado sa sandaling umarangkada na ang mga proyekto ng gobyerno na ang multi bilyong pondo ay galing sa official development aid ng China.

Dahil dito sumugod sa Bantayog ng mga Bayani ang mga katutubo at ginunita ang pag-aalay ng buhay ng marami na sa kanilang hanay para protektahan ang kanilang lupang pinanahanan.


Giit ng grupo, isinasakripisyo ng gobyerno ang buhay ng mga katutubo maituloy lamang ang build build build programa nito.

Isang ritwal ang isinagawa ng grupong Sandugo at Katribu sa pamamagitan ng tradisyunal na pagkatay ng manok at pagsindi ng pine candle bilang pag-alaala sa kabayanihan ng tulad ni Macliing Dulag.

Facebook Comments