TUTOL | Operasyon kontra tambay, tinutulan ng isang militanteng grupo

Manila, Philippines – Kinondena ng militant labor group Kilusang Mayo Uno (KMU) ang malawakang Oplan Tambay ng Philippine National Police (PNP).

Sa isang press conference, sinabi ng grupo ang operasyon ng otoridad laban sa tambay ay malinaw na pag-atake sa mga mahihirap at mga Pilipinong walang trabaho.

Hinamon ng grupo si Pangulong Roodrigo Duterte, sa halip na mag ubos ng oras o panahon sa paghahanap ng tambay, dapat nitong ituon ang pansin sa mga employer na patuloy pa rin nagpapatupad ng contractualization scheme.


Sa halip na patayin ang mga tambay at walang hanapbuhay na mga Pilipino, dapat patayin ng gobyerno ang contractualization at agarang wakasan ang pagtaas ng trend ng retrenchment sa lugar ng trabaho sa buong bansa.

Sinabi ni Ed Cubelo, Kilusang Mayo Uno National Capital Region Chairperson, sa mahabang panahon napatunayan na ang kontraktwalisasyon ang pangunahing dahilan para sa mga employer na tanggalan ng trabaho ang mga manggagawa, ang tanggalan ang naging pangunahing dahilan kung bakit ang mga tambay ay nadagdagan at ang unemployment rate ay lumala sa bansa.

Sinabi pa ni Cubelo, dapat lubos na tuparin ng Pangulo Duterte ang unang pangako nito na wakasan ang contractualization, mas mataas na sahod, mas mahusay na working condition sa mga manggagawa at agad na magbigay ng trabaho at kabuhayan sa mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments