TUTOL | Pag-aalis sa Filipino at Panitikan subjects sa kolehiyo, pinalagan

Manila, Philippines – Inalmahan ng Tanggol Wika, isang Filipino language advocacy group ang pag-aalis sa Filipino at Panitikan bilang required subjects sa kolehiyo.

Ayon kay Dr. David San Juan, convenor ng grupo – aabot sa 10,000 guro ang mawawalan ng trabaho kapag nagkaroon ng pagbabago sa education curriculum ng bansa.

Dagdag pa ni San Juan – magiging mahirap din para sa mga guro na mag-shift sa basic education dahil sa dagdag namang workload at maliit na sahod.


Sampal din aniya ito sa mga teacher at professor na kumukuha ng higher studies sa Filipino at Panitikan.

Iginiit ng grupo na ang pagtuturo ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo at makakatulong ito na maging malapit sa mga ordinaryong Pilipino.

Facebook Comments