TUTOL | Pagbabalik ng ROTC, tinuligsa ng ilang kongresista

Manila, Philippines – Tutol si Anakpawis Party-list Representative Ariel Casilao na gawing mandatory ang pagbabalik ng Reserved Officers Training Corps o ROTC sa mga paaralan.

Ayon kay Casilao, hindi pain o pambala sa kanyon ang mga kabataan para sanayin ng gobyerno sa pamamagitan ng ROTC na gustong ipatupad muli ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilalabag aniya nito ang constitutional right ng mga mag-aaral kaya dapat ay boluntaryo lang ito lalo at mapapagastos din ang mga estudyante.


Ipinaalala rin ng kongresista na malapit ang ROTC sa pang-aabuso gaya ng nangyari sa isang UST reserved officer kung saan pinatay siya noong 2001 matapos umanong tangkaing ibunyag ang korapsyon ng mga kapwa-opisyal.

Pinalalabas umano ng Pangulo na dapat gawin ng mga estudyante ang ROTC para ipakita ang pagmamahal sa bayan gayong siya naman ay ibinebenta ang bansa sa China.

Dagdag pa ni Casilao, nais din ng muling pagbabalik ng ROTC na mabawasan ang mga kabataang nagkikilos-protesta at sa halip ay maging sunud-sunuran sa mga polisiya ng makapangyarihan sa gobyerno.

Facebook Comments