TUTOL | Paggamit ng marijuana bilang medisina, tinutulan

Manila, Philippines – Naniniwala si Buhay Partylist Representative Lito Atienza na kulang sa pagpapaliwanag ang Department of Health (DOH) at Dangerous Drugs Board (DDB) sa planong i-legalize ang paggamit ng marijuana bilang medisina sa bansa.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Atienza na dapat ipaliwanag sa taongbayan ng DOH at DDB kung ano ang epekto sa mga Pilipinong gumagamit ng Marijuana bilang medisina.

Paliwanag ni Atienza kulang na kulang sa pagpapaliwanag sa mamamayan ang DOH at DDB kung ano kahalagahan ng paggamit ng marijuana bilang medisina pero sa kanyang personal na pananaw tutol siyang i-legalize sa paggamit ng marijuana bilang medisina dahil hindi pa handa ang mga Pilipino para rito.


Dahil batay sa kanyang pagtatanong sa mga eksperto masama ang epekto ng marijuana sa tao.

Facebook Comments