TUTOL | Pagpapalayas kay Sister Fox, iniapela ng ilang kongresista

Manila, Philippines – Umapela ang ilang mga kongresita sa Makabayan na baligtarin ang naunang desisyon ng Bureau of Immigration(BI) na kanselahin ang missionary visa at ipa-deport ang Australian nun na si Sister Patricia Fox.

Ito ay kaugnay sa balak na pag-hingi ng tulong ni Sister Fox sa DOJ kung saan attached agency ng ahensya ang immigration.

Umaasa si Anakpawis Party list Representative Ariel Casilao, na mababaliktad pa rin ang desisyon ng BI kahit pa `with finality` ang desisyon nito matapos na ibasura ang Motion for Reconsideration (MR) ni Sister Fox.


Giit ni Casilao, kung ikukumpara kay Pangulong Duterte, hindi hamak na “overwhelming” ang mga nagawa ni Sister Fox sa mga mahihirap at mga magsasaka sa kanyang mga missionary missions sa loob ng tatlong dekada.

Sa kabilang banda, inaasahan na umano nila sa Makabayan ang pagkansela sa missionary visa at pag papa-deport kay Sister Fox dahil mismong ang Pangulo ang tumutuligsa sa madre.

Sinabi pa ng kongresista na nawala na ang moral ng Pangulo dahil sa political persecution, anti-poor at anti-workers policies, maging ang patuloy na pagpanig nito sa China sa kabila ng militarisasyon sa West Philippine Sea.

Facebook Comments