Manila, Philippines – Iginiit ni Vice President Leni Robredo na panlilibak sa hustisya ang pagpayag ng Sandiganbayan na magpiyansa si dating unang ginang Imelda Marcos.
Ayon kay Robredo, patunay lamang ito na hindi pantay ang katarungan sa bansa.
Aniya, ang mga may pera at mataas ang estado ay nakakatakas sa kaparusahan kahit na malaki ang ninakaw nito sa sambayanan habang nagdurusa sa kulungan ang mga mahihirap at may maliit lamang na pagkakasala.
Para sa bise presidente – insulto rin ang pagdalo ni Marcos sa party sa mismong araw na inilabas ang hatol dito.
Nanindigan din si Robredo na hindi dapat gawing dahilan ng unang ginang ang kanyang sakit kaya hindi dumalo sa promulgation ng kaso.
Facebook Comments