TUTOL | Panukalang buwagin ang Road Board, pipirmahan ni PRRD

Manila, Philippines – Pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magbubuwag sa Road Board.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ang paglagda sa panukala ay base na rin sa pag-uusap ng Pangulo at ni Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno hinggil sa katiwalian sa board.

Dagdag pa ni Panelo – tutol ang Palasyo sa paglalabas ng 45 billion pesos road users tax.


Aniya, dapat isauli ang buwis sa treasury.

Pero nanindigan ang Kamara na hindi maaring buwagin ang Road Board.

Ayon kay Majority Floor Leader Rolando Andaya Jr. – iniurong na ng plenaryo ang suporta sa panukala.

Dagdag pa ni Minority Floor Leader Danilo Suarez – walang basehan ang mga alegasyon ng korapsyon sa Road Board.

Ani Suarez – ang Road Board ay limitado sa paghahawak ng road users tax.

Facebook Comments