TUTOL | Panukalang magtatag ng DDM, tinututulan ni Sen. Drilon at Sen. Lacson

Manila, Philippines – Tutol ang ilang senador sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng Department of Disaster Management (DDM).

Ayon kay Senate Minority Leader Fraklin Drilon, hindi na ito kailangan dahil nariyan naman na ang Office of Civil Defense o OCD na kailangan lang palakasin.

Aniya, magiging dagdag gastos lang ito na salungat sa itinutulak ng Department of Budget Management (DBM) na pagbabawas ng mga ahensya at tauhan sa gobyerno.


Sabi naman ni Senador Panfilo Lacson, maiging amyendahan na lang ang Republic Act 10121 na lumikha sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Facebook Comments