TUTOL | PNP Chief Oscar Albayalde, hindi sang-ayon sa pagkakaroon ng independent police force para sa Bangsamoro region

Hindi sang-ayon si PNP Chief, Director General Oscar Albayalde sa pagkakaroon ng independent police force para sa Bangsamoro region.

Giit ni Albayalde, ang mga unipormadong tropa ay mananatiling pamumunuan ng PNP at ng AFP para maiwasan ang politicization at kawalan ng command and control.

Dapat aniyang maamiyendahan ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) para alisin ang probisyong pagbuo ng Bangsamoro regional police.


Batay sa house bill 6475 o proposed BBL, ang Bangsamoro region ay magkakaroon ng sariling military at police force, jail management and penology bureau, police commission, fire protection bureau at coast guard.

Pero nakasaad sa panukala na ang bubuhuing police force ay mananatiling sa ilalim pa rin ng PNP.

Facebook Comments