Manila, Philippines – Mariing kinokondena ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang pambobomba sa Sultan Kudarat na nagresulta sa pagkamatay ng 2 at pagkasugat ng 38 indibidwal.
Ayon sa grupo hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang pag-target sa mga inosenteng sibilyan.
Gayunpaman, tinututulan ng grupo ang posibleng extension ng martial law sa Mindanao.
Paliwanag ng Bayan hindi maaaring gamiting dahilan ang Sultan Kudarat bombing bilang batayan, lalo na at wala ito sa naunang batayan ng deklarasyon ng martial law.
Giit ng grupo tanging rebelyon at invasion lamang, kapag kailangan ng public safety, ang batayan ng martial law.
Pangamba kasi ng Bayan na mauuwi sa umano ay pang aabuso ang martial law extension sa buong Mindanao.
Magkakaroon din anila ng impact sa nalalapit na eleksyon sa darating na taon ang inilulutang na pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.