TUTOL | PRRD, dismayado sa pagpayag na makalabas si Zaldy Ampatuan

Manila, Philippines – Dismayado si Pangulong Duterte matapos payagan si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan na makalabas ng kulungan para dumalo sa kasal ng kanyang anak na babae.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kaisa ang Pangulo sa pagtutol ng panel of prosecutors sa naging mosyon ng kampo Ampatuan.

Tiniyak naman ni Roque na walang implikasyon sa kaso ang pansamantalang paglabas ng kulungan ni Ampatuan.


Mababatid na bago maging tagapagsalita ng Pangulo, nagsilbi si Roque na abogado ng 58 mamahayag na pinatay ng Ampatuan sa Maguindanao noong 2009.

Facebook Comments