TUTOL SA PANGINGIELAM | Mga militanteng kababaihan, sumugod sa US Embassy

Manila, Philippines – Lumusob sa harapan ng US Embassy ang grupong ang mahigit 30 miyembro ng Gabriela upang tutulan ang pakikialam umano ng Estados Unidos sa gobyerno ng Pilipinas.

Ayon kay Gabriela Spokesperson Maya Santos ang kanilang isinagawang kilos protesta ay bilang pag-alala na rin sa International Women’s Day sa March 8 kung saan marami umanong mga kababaihan ang naaabuso.

Paliwanag ni Santos na hindi umano interes ng mamamayang Pilipino ang iniisip ni Pangulong Duterte kundi kapakanan ng mga imperyalista gaya ng Amerika at China.


Giit ng grupo ang tingin umano ng mga kababaihan ng mga kano ay parang mga basura na maaaring itapon na lamang kahit saan at walang pakinabang.

Samu’t saring mga demand ang kanilang inilagtag sa harapan ng US Embassy kabilang na ang kasunduan ng Amerika gaya ng EDCA, VFA at Operation Pacific Eagle.

Facebook Comments