Maisasantabi ang papel ng mga magulang sa kanilang mga anak na babae, sa pagpapatupad ng mandatory pregnancy test ng Pines City College sa Baguio City.
Ayon kay Bishop Roberto Mallari ng CBCP Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP), ang usapin sa pagbubuntis ay concern ng mga magulang, kaya at hindi maaaring ipatupad ang mandatory pregnancy test nang hindi nai-involve ang mga ito.
Dapat aniya ay kinuha muna ng paaralan ang opinyon ng mga magulang tungkol dito, bago i-impose ang polisiya.
Una nang sinabi ng Pines City Colleges na ang mandatory pregnancy test na ito para sa mga estudyante ng dentistry, nursing at pharmacy ay para rin sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Facebook Comments