Manila, Philippines – Hindi sang-ayon ang Senado na magsagawa ng joint session kasama ang Kamara ukol sa panukalang paglipat sa Federal System of Government.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III – kinumpirma niya na may joint session ang Kongreso bukas, December 12 para desisyunan ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng isang taon ang martial law sa Mindanao.
Aniya, hinala kasi ng ilang mambabatas na ang joint session ukol sa martial law extension ay gagawing constituent assembly (con-ass) para talakayin ang proposed federal shift.
Diin ni Sotto, tutol sila sakaling humiling ang Kamara ng con-ass.
Matatandaang inaprubahan ng Kamara ang Resolution of Both Houses no. 15 na layong mag-convene ang Senado at Kamara sa isang con-ass para rebisahin ang 1987 Constitution at aprubahan ang federal charter.