Manila, Philippines – Dismayado ang grupong United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) sa desisyon ng LTFRB na ibaba lang sa P9 ang pamasahe sa mga jeep.
Ayon kay UFCC President RJ Javellana, hindi dumaan sa hearing ang resolusyon ng ahensya sa nasabing bawas-pasahe.
Dapat aniya ay ibalik sa otso pesos ang minimum na pasahe sa jeep dahil bukod sa malaki na ang ibinaba sa presyo ng diesel at gasolina, may nakukuha rin naman daw na subsidiya ang mga jeepney operator sa gobyerno sa pamamagitan ng pantawid pasada program sa ilalim ng TRAIN Law.
Samantala, inihihirit din ng grupo sa Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng bawas-presyo sa mga pangunahing bilihin kasunod ng walong bigtime rollback sa presyo ng langis.
Facebook Comments