TUTOL | US President Donald Trump, tutol sa proposal ni Russian President Vladimir Putin

Hindi pumayag si U.S. President Donald Trump sa proposal ni Russian President Vladimir Putin na pahintulutan ang Russian authorities na tanungin ang American citizens.

Ito ay matapos ang pagpupulong ng dalawang lider sa Helsinki, binuo ni Putin ang proposal matapos siyang tanungin tungkol sa extradition ng 12 Russian intelligence officers na kinasuhan dahil sa panghihimasok sa 2016 U.S. presidential election.

Ayon kay Whitehouse Spokeperson Sarah Sanders, umaasa sila na papupuntahin ni Putin ang 12 ruso sa Estados Unidos para patunayan kung sila ay inosente o guilty.


Nakapaloob sa alok ni Putin na payagan ang American law enforcement officials para panoorin ang pagtatanong ng Russian official kapalit ng malayang pagtatanong ng Russian investigator sa mamamayan ng U.S.

Partikular sa tatanungin ay ang kaso ng London-based financier na si Bill Browder, isang onetime investor sa Russia.

Facebook Comments