TUTOL | VACC tutol sa hirit ni Sen. Tito Sotto na payagang magdaos ng pagdinig sa selda ni Sen. De Lima

Manila, Philippines – Tahasang tinututulan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang hiling Senate President Vicente Sotto na payagan ng Philippine National Police (PNP) si Sen Leila De Lima na magdaos ng hearing sa loob ng kanyang detention cell

Ayon sa legal counsel ng VACC na si Atty. Ferdinand Topacio bilang isa sa mga private complainants sa drug trafficking conspiracy cases laban kay Senadora De Lima mariin nilang tinututulan ang kagustuhan ni Senador Sotto.

Ito ay dahil maituturing na special treatment kapag pinagbigyan ang hirit na magdaos ito ng pagdinig sa kanyang selda.


Katwiran pa ng grupo kapag pinagbigyan ang senadora na ma-exercise ang kanyang full legislative prerogatives mawawala ang purpose ng kanyang pagkakabilanggo kung saan may limitasyon ang lahat ng kanyang kilos.

Magkakaroon din anila ng freedom ang senadora dahil sa makakausap nito ang sinumang gusto nyang kausapin, ma-iinterview pa ito ng media at panigurado anilang magpapatawag din ito ng maraming resource persons sa pagdinig sa kanyang selda.

Kasunod nito nanindigan ang VACC na dapat itrato si De lima katulad ng iba pang preso na walang special treatment.

Facebook Comments