TUTOL | Zero tariff sa imported meat products, hindi suportado ng Kamara

Manila, Philippines – Nilinaw ni House Speaker Gloria Arroyo na hindi niya isinusulong ang pag-a-alis ng taripa sa importasyon ng meat products.

Kaugnay ito ng sinabi ni Albay Representative Joey Salceda na iminungkahi umano ni GMA at ng mga economic managers ang zero tariff sa fish and meat importation.

Ayon kay Arroyo, hindi siya pabor sa pag-a-angkat ng karne na zero tariff dahil marami namang ibang dahilan ang pagtaas ng inflation base sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).


Agad din namang nilinaw ni Salceda na hindi na isasama ang meat importation sa binabalangkas na Executive Order (EO) para sa mga produktong tatanggalan ng taripa para matugunan ang problema sa inflation.

Dahil dito, tumawag sa tanggapan ng speaker ang chairman ng grupong Sinag na si Rosendo So bunsod ng pagkabahala sa pag-alis ng taripa sa imported na karne.

Facebook Comments