TUTUGISIN | Legal fronts ng NPA, hahabulin na ng militar sa sandaling ideklara ng korte na terorista ang NPA

Manila, Philippines – Maari nang tugisin ng militar ang mga legal fronts ng New People’s Army kasama na ang mga grupong nagbibigay sa kanila ng suportang pinansyal sa sandaling na ideklara ng korte na terorista ang rebeldeng grupo.

Ayon kay AFP spokesman Brig Gen Bienvenido Datuin, suportado nila ang pagsasampa ng petisyon ng Department of Justice sa Manila Regional Trial Court upang pormal na ideklarang terroristang grupo ang NPA.

Ayon kay Datuin, wala na aniyang ipinagkaiba ang NPA sa Abu Sayyaf at sa Maute terror group dahil sa ginagawa nitong liquidation, panununog, pangingikil, at panankot sa mga sibilyan.


Tiwala ang opisyal na malaking tulong sa kampanya laban sa NPA ang pagdedeklara sa kanila bilang mga terorista dahil mawawala ang kanilang suportang pampinansyal mula sa mga local at foreign groups.

Ito’y sa dahilang may batas nang nagbabawal sa pagsuporta sa mga terrorist organizations, at ang mga nagpopondo ng pasikrero sa NPA ay maari nang sampahan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments