Manila, Philippines – Hindi na ngayon magdadalawang isip ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para tugisin ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ito ay matapos na pirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang presidential proclamation na nagdedeklarang terrorist organization ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA).
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla, suportado nila ang desisyon ng Pangulo lalot ginawa lahat ng pamahalaan para maisakatuparan ang usapang pangkapayapaan ngunit hindi naging seryoso dito ang CPP-NPA.
Sa ngayon aniya lahat ng resources ay kanila nang gagamitin para lamang mapatigil ang CPP-NPA sa patuloy na paggawa ng krimen at paninira ng kabuhayan ng kanilang mga nagiging biktima.
Samantala, suportado rin ng Department of National Defense ang naging desisyong ng Pangulong Duterte na ideklara nang terorista ang CPP-NPA.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ito ay dahil sa patuloy na pagsasagawa ng mga ito ng krimen at terroristic activities.
Sa ngayon tuloy aniya ang focused military operation laban sa CPP-NPA.