TUTULONG | Bagong labor inspectors sa DOLE

Manila, Philippines – Nasa 126 na mga bagong labor inspector ang inotorisa ng Department or Labor and Employment (DOLE) upang tumulong sa ahensya na tiyakin na nasusunod ng mga kumpaniya at employer sa buong bansa ang mga batas at standard sa paggawa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nagmula ang mga bagong labor inspectors na ito sa mga labor organization at employer representatives, kung saan tatagal hanggang December 31 ang tungkulin ng mga ito.

Sa kasalukuyan, bukod sa 126 na bagong labor inspectors, nasa 24 na inspektor ang nag-iikot sa Davao Region, 18 sa National Capital Region, 17 sa Central Visayas at 15 Northern Mindanao.


Ilan sa mga sisilipin ng mga labor inspectors na ito ay kung nasusunod ba ang mga health standards sa paggawa, tamang benepisyo ng mga manggagawa at kung mayroong paring nagpapatupad ng iligal na porma ng kontraktwalisasyon.

Facebook Comments