TUTULONG | Gobyerno ng Pilipinas nagpahayag ng kahandaang tumulong sa Indonesia matapos masalanta ng malakas na lindol

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na handa ang Gobyerno ng Pilipinas na magbigay ng tulong sa Indonesia matapos itong masalanta ng malakas na lindol noong nakaraang linggo.

Tinamaan kasi ng 7.4 magnitude na lindol ang nasabing bansa kung saan tinamaan pa ng tsunami ang Palu Indonesia kung saan sa pinakahuling tala ay umabot na sa 844 ang namatay at inaasahan pa itong tumaas.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, patuloy ang pakikipagugnayan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa kanyang counterpart sa Indonesia upang malaman kung anong tulong ang hihingin nito mula sa Pilipinas.


Tiniyak ni Roque na anomang kailanganin ng Indonesian Government ay tutulong ang gobyerno ng Pilipinas.

Kaugnay niyan ay kinumpirma ni Roque na patuloy pang pinaghahanap ang isang Pilipino na nakakulong sa Palu Penitentiary at nakikipagugnayan narin ang Department of Foreign Affairs para mahanap ang nasabing Pilipino.

Facebook Comments