Manila, Philippines – Magpapadala ang bansang India ng mga pharmaceutical experts sa Pilipinas bilang bahagi ng P1.25 billion dollar investment na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, tutulong ang mga ito na magkaroon ng mura at dekalidad na gamot sa Pilipinas.
Nauna nang sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na ginarantiya ng siyam na mga Indian companies mula sa renewable energy, wellness, pharmaceutical, at information technology-business process management sector ang $1.25 bilyon o halos P64 na investment sa bansa.
Facebook Comments