TUTULONG | Lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan handang tumulong para linisin ang isla ng Boracay

Aklan – Handang tumulong ngayon ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan para linisin ang isla ng Boracay.
Ito’y matapos magbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang naturang tourist destination kung hindi pa rin masosolusyunan ang problema hinggil sa pagtatapon ng dumi.
Nakipag-ugnayan na ang opisyla ng Malay kay Urban Planner Architect Felino Palafox Jr. para ilatag ang buong master plan para sa turismo sa isla.
Binabantayan na rin nila ang mga business establishment sa isla upang masigurong susunod ang gma ito sa regulasyon na itinatakda ng environmental laws.

Facebook Comments