TUTULONG | Malacañang, tiniyak na handa ang Pilipinas na mabigay ng tulong sa Lao PDR

Nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas sa malagim na trahedya sa Lao Peoples Democratic Republic matapos bumigay ang isang Hydroelectric Dam sa Attapeu, Laos.

Batay sa ulat ay umabot sa mahigit 7000 indibidwal ang naapektuhan ng pagkasira ng nasabing Dam matapos malubog sa tubig ang nasa 6 na villages sa nasabing bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakikiramay sila sa Pamahalaan ng Lao PDR at nakikiisa sila sa pagdarasal sa mga biktima.


Tiniyak naman ni Roque na handa ang Pilipinas na magbigay ng Humanitarian Assistance sa Lao DPR.

Batay naman sa ulat mula sa Department of Foreign Affairs ay wala namang Pilipinong naapektuhan ng nasabing trahedya.

Facebook Comments