Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang ginawang pambubugbog ng Barangay Chairman ng Barangay 350, Zone 35, District III, Sta. Cruz, Manila sa isang 16-anyos na binatilyo sa loob mismo ng nasabing Barangay Hall, noong November 3, 2018.
Ayon kay VACC National President Arsenio “Boy” Evangelista, National hindi makatarungan at makatao ang ginagawang pambubugbog ni Barangay Chairman Felipe Falcon Jr. sa 16-anyos na binatilyo na nakilalang sa loob mismo ng Barangay hall.
Paliwanag ni Evangelista walang puwang sa gobyerno ang isang halal na opisyal na sa halip na ipagtanggol ang kanyang mga nasasakupang mamamayan ay siya pa mismo ang gumagawa ng pang aabuso, pananakit at panunutok ng baril sa mga ito, katulad na lang ng sinapit ng 16-anyos.
Handa umanong tumulong ang VACC upang mailagay sa Witness Protection Program o WPP sa DOJ ang biktima.
Hinihikayat din ni Evangelista ang DILG partikular ang opisina ng Barangay Affairs sa pamumuno ni Undersecretary Martin Diño na ilagay sa Preventive Suspension si Falcon habang iniimbestigahan ang nangyaring insidente ng karahasan sa loob mismo ng Barangay Hall.