TUTULONG | Senator Pacquiao, nangako ng tulong-pinansyal sa pamilya ng pinatay na OFW sa Kuwait

Manila, Philippines – Ipinangako ni Senator Manny Pacquiao na maglalaan sya ng tulong pinansyal sa pamilya ni Joanna Demafelis, ang Pinay na natagpuang patay sa loob ng isang freezer sa Kuwait.

Ang tulong ay inihayag ni Senator Pacquiao sa pagdinig na isinagawa ng committee on labor na pinamumunuan ni Senator Joel Villanueva ukol sa mga kaso ng pagpatay at pagmaltrato sa mga Overseas Filipino Worker sa Kuwait at iba pang bansa.

Sabi ni Pacquiao, siya na ang tutubos sa lupang isinanla ng pamilya Demafelis para ito ay makapag abroad.


Sa pagdinig ay naging emosyonal si Pacquiao dahil masama daw ang kanyang loob sa sinapit ni Demafelis nakatulad niya ay nagmula din sa mahirap na pamilya.

Sa hearing ay nagpahayag naman ng pagasa si Dept. of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na mapapanagot sa lalong madaling panahon ang employer ni Demafelis dahil natukoy na daw ang tinutuluyan nitong apartment sa Lebanon.

Giit naman ni Senator Cynthia Villar, huwag ng magpadala ng domestic helper sa ibayong dagat dahil kawawa naman sila lalo na pagdating sa Kuwait.

Sa pagdinig ay nagpahayag din ng pagdudua si Villar sa kinauukulang ahensya kung talagang ginawa nito ang lahat para hanapin si Demafelis na mahigit isang taon na ng inireport ng kanyang pamilya dito sa pilipinas na nawawala at hindi na nila makontak.

Depensa naman ni Secretary Bello, kaya niya sinibak ang labor attaché sa Kuwait ay dahil sa kapabayaan.

Facebook Comments