Manila, Philippines – Binigyan na ng notice to vacate ang ilang pamilya sa Boracay na nakatira sa no-build zones.
Ito ay bahagi ng gobyerno para sa planong rehabilitasyon sa isla.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) OIC Emmanuel Leyco, nasa 28 informal settler families ang pinalilipat.
Sa nasabing bilang, 15 rito ay benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).
Nakahanda aniya ang ahensya para tulungan ang mga apektadong pamilya lalo na sa kanilang relocation at initial assistance.
Sa datos ng DSWD, aabot sa 2,300 na pamilya na sakop ng 4Ps ang apektado ng temporary shutdown ng Boracay.
Facebook Comments