Marawi – Itinutulak ni Lanao del Sur Rep. Ansarrudin “Hooky” Adiong ang pagbibigay ng reparation pay sa mga survivors ng gyera sa Marawi City.
Layunin ng House Bill 7711 na bigyan ng tulong ang mga naapektuhan ng digmaan na hanggang ngayon ay kapos at hirap pa rin sa pamumuhay matapos na lumikas sa kanilang mga tahanan sa Marawi.
Sakop ng mabibigyan ng kabayaran ang mga nasa Most Affected Area ng gyera at ang mga nasa Greater Marawi Area.
Sa ilalim ng panukala maglalaan ang pamahalaan ng P20B na gagamiting Trsut Fund na pagkukuhan ng perang pambayad sa mga apektado ng limang buwang giyera.
Lilikha rin dito ng Board of Marawi Siege Compensation na pamumunuan ng pinuno Housing and Urban Development Council o HUDCC katuwang ang iba pang ahensya ng national at local government ng Marawi City at Lanao del Sur.
Ang nasabing board ang siyang mag-aaral, tatanggap ng aplikasyon at magbibigay ng kabayaran sa mga benepisyaryo.