TUTULUNGAN | Mga Pilipinong posibleng maipit sa kaguluhan sa Syria, handang pauwiin sa Pilipinas – DFA

Manila, Philippines – Nakahanda ang embahada ng Pilipinas sa Syria para sa repatriation ng mga Pilipino kasabay ng nagpapatuloy na gulo roon.

Ayon kay Charge D’ Affaires Alex Lamadrid – handa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tulungan ang mga Pilipinong gustong umuwi ng Pilipinas.

Pinayuhan din ni Lamadrid ang mga Pilipino roon na manatiling nasa loob ng kanilang bahay at iwasang bumiyahe.


Aabot sa 1,000 Pinoy ang nasa Syria na pawang mga asawa ng Syrian national o household service workers.

Facebook Comments