TUTULUNGAN | Pangulong Duterte, personal na nakiramay sa mga biktima ng bagyo

Manila, Philippines – Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Urduja sa Eastern Visayas.

Tiniyak ng pangulo na gagawin ng gobyerno ang lahat para tulungan ang biliran na makabangon.

Sa interview ng RMN kay Presidential Spokesperson Harry Roque – tutulungan din ng gobyerno ang mga magsasaka na lubos na nasalanta ng bagyong Urduja.


Inatasan na rin ng pangulo ang DPWH na agad na itayo ang mga nasirang imprastraktura.

Siniguro ng palasyo na puspusan ang mga kinauukulang ahenya ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa apektadong residente.

Facebook Comments